• Lotus

Lotus Development: Lessons we learned in 2020

Dear Lotus staff, tenants, and customers,

Binabati ko kayong lahat ng Maligayang Pasko. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa panahong ito.

I greet you with a heart full of gratitude and courage in this season of thanksgiving. Nagkaroon man ng mga pagsubok ngayong taon, naging pagkakataon din ito upang mapagtibay ang aming pangako sa inyo na maging katuwang niyo sa paglago at pag-asenso. Amid a global pandemic, we continued to empower our team, support local businesses through our rental spaces, and serve our customers. Kayong lahat ang naging inspirasyon namin.

Gathering and growing communities especially in Cavite is our passion and guide – para gawin ang mga tamang desisyon at upang maging maparaan sa kabila ng “new normal”. Isa sa mga resulta nito ay ang bagong Tenant Relations Partners, na ating inilunsad para sa mas mabilis at mabisang pagtulong sa ating tenants na mapalago pa ang kanilang negosyo. With this and all of our other efforts, I am proud to say that we have come out stronger and wiser. Mas handa tayong salubungin anuman ang nasa hinaharap.

I sincerely thank all Lotus employees for their unwavering commitment to #GatherandGrow. Dahil sa inyo, mas marami tayong mga negosyante at customers na natulungan. I would also like to give my heartfelt thanks to all business owners. Dahil sa inyong patuloy na pagtitiwala ay nagawa nating makapagsilbi sa publiko sa kabila ng lahat. You can count on our team to deliver the same service that has shaped our many years of partnership.

Finally, to our customers, your unwavering patronage of all of our properties will always be our company’s most treasured gift. Asahan niyo na patuloy kaming magsisikap na gawing ligtas at masaya ang inyong bawat pagbisita sa anumang Lotus Development property.

Challenges will always be a part of our lives. And so will opportunities. We just have to make the best out of what is dealt to us while remaining committed to the one reason why we are here: to gather and grow communities so that we can all thrive and be successful whoever we may be.

Nawa’y maging masagana, ligtas, at makabuluhan ang bagong taong 2021!

Jeany


109 views0 comments